Advertisers
Limang (5) high value indibidwal ang nadakip sa buybust operation at nasamsam sa mga ito ang milyong halaga ng droga sa lalawigan ng Rizal.
Sa ulat na tumanggap ni Rizal PNP Provincial director Col. Feloteo Gonzalgo, nakumpiska ng mga operatiba sa 5 suspek ang 275 gramo ng shabu na may kantidad na P1.88 milyon.
Ayon sa ulat, dakong 3:15 kaninang madaling araw nasakote sina alyas Nestor 53-anyos at alyas J-3 sa Brgy., Pantok, Binangonan.
Narekober ng mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement Team sa mga ito ang 104.1 gramo ng shabu na nasa P707,880.00 at mga cellphone at isang tricycle.
Habang dakong 11:00 ng gabi nitong Disyembre 17 naaresto naman sina alyas Kabo-45 anyos at alyas Toto at narekober sa mga ito ang 100.6 gramo ng droga na nasa P684,080.00, cellphone at buybust money.
Nadakip naman sa bayan ng San Mateo Rizal si alyas Nor, 48 anyos sa Brgy., Silangan at nasamsam dito 72 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P489,600.00 at isang baril, bala at holster.
Nahaharap ang 5 suspek sa kasong paglabag sa RA9165 section 5&11 article ll at si Nor at sasampagancsin ng kasong paglabag sa RA10591 illegal possession of firearms and ammunition.
Dagdag ni Col. Gonzalgo, hindi titigil ang kanyang mga tauhan sa tuliy-tuloy na kampanya kontra droga. (Edwin Moreno)