Advertisers
DALAWAMPU’T limang (25) M14 riffle ng mga New People’s Army (NPA) ang nasamsam ng 16th Infantry “Maglilingkod” Battalion sa ilalim ng 2nd Infantry Division (Jungle Fighter) Division.
Katuwang ang 201st Infantry (Kabalikat) Brigade, 42nd Infantry (Tagapagtanggol) Battalion ng 9th Infantry (Spearhead) Division, at Philippine National Police sa Camarines Norte.
Ayon kay 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division Commander Major General Ramon Zagala ang pagkakabawi sa mga amas ay Isang mahalagang hakbang para pahinain ang operational capability ng mga kaaway ng pamahalaan.
Nasamsam ng tropa ng pamahalaan ang 25 M14 riffle, 2,245 rounds ng bala ng 7.62mm, labing (15) Lima M14 magazine at 41 M16 magazine.
Sinabi ni 201st Infantry (Kabalikat) Brigade Commander Colonel Francis Carandang, narekober ang mga armas ng NPA sa Labo, Camarines Norte nitong Martes.
Ito’y matapos makatanggap ng sumbong mula sa mga impormante sa lugar.
Ang matagumpay na pagkakabawi umano ng Armas ay nagpapakita ng kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga sibilyan sa operasyon ng militar.
Ang pangyayari umano ay nagpapakita ng pagiging epektibo ng intelligence-driven efforts at close Army–PNP coordination.
Sa pagtatwa umano ng armadong grupo sa mga sandata ay ditektang napoprotektahan ang mga komunidad at nakakapag ambag sa lasting peace and security sa lugar, ayon pa kay Zabala. (Edwin Moreno)