Advertisers

Advertisers

Maan Teodoro, sinertipikahan bilang urgent ang pagpasa ng panukalang badyet para mabayaran ang utang sa tubig ng Barangay Tumana

0 10

Advertisers

HINIMOK ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang Sangguniang Panlungsod na agad na magpasa ng proposed ordinance appropriating funds para tugunan ang patuloy na krisis sa tubig sa Barangay Tumana matapos putulin ng Manila Water ang supply ng tubig sa lugar.

Sa isang pormal na liham na hinarap sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, binigyang-diin ni Teodoro ang agarang pangangailangan para sa pagpasa ng isang ordinansa na naglalayong maglaan ng PHP15,000,000 upang bahagyang masakop ang obligasyon ng Barangay Tumana sa Manila Water.

Nabigo umano si Barangay Captain Akiko Centeno na mag-remit ng tubig ng mga residente sa kabuuang P37,192,199.98, na nag-udyok sa Manila Water na putulin ang suplay ng tubig sa lugar.



“Huwag nating payagang mag-Pasko ang Barangay Tumana nang walang tubig,” ani Teodoro.

Ayon kay Teodoro, ang panukalang ordinansa ay isang mapagpasyang interbensyon na magbibigay ng kinakailangang pondo para ma-settle ang mga obligasyon at mapadali ang agarang pagpapanumbalik ng serbisyo ng tubig sa Barangay Tumana.



“This intervention is both compassionate and prudent, providing immediate relief while ensuring accountability in the use of public funds,” aniya. “More importantly, it reaffirms the City Government’s commitment to protect public health, uphold human dignity, and serve the people of Marikina.”

Dagdag pa rito, binigyang-diin ng alkalde ang parehong legal at moral na mga obligasyon ng Pamahalaang Lungsod na kumilos nang mapagpasya, na binanggit ang mandato sa ilalim ng Seksyon 16 ng Local Government Code na protektahan ang kapakanan ng mga nasasakupan nito.



Umapela si Teodoro sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na unahin ang kapakanan ng mga residente ng Tumana at agad na kumilos upang maibalik ang serbisyo ng tubig at matiyak ang dignidad at kapayapaan ng isip ng mga apektadong pamilya.

“Dahil sa bigat at agarang epekto ng krisis na ito, buong paggalang kong hinihiling sa mga Kagalang-galang na Miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang agarang aksyon at malasakit sa pagpasa ng ordinansang ito,” ayon kay Teodoro.