Advertisers
Nananatiling buhay malakas at untouchable ang operasyon ng mga lantarang sugal sa Perya tulad ng “color games at drop ball baraha” sa hurisdiksyon Nina PRO MIMAROPA Regional Director PBGen Jovencio Badua at Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita.
Mga iligal na sugal na pinaniniwalaang pinopondohan ng mga bigtime at kilalang indibidwal na sangkot din sa Imani sa kalakalan ng illegal drugs.
Sa kabila ng mga ulat umaabot na umano sa higit 300 mesa ng “color games at drop ball baraha” ang naglipana sa iba’t ibang bayan o siyudad sa lalawigan ng Oriental Mindoro tulad ng Bulalacao, Mansalay, Pinamalayan, Gloria, Soccoro, Victoria, Naujan, Bansud, Pola, Baco, Puerto Galera, San Teodoro, Bongabong, Roxas, at Calapan na tila naging bulag at bingi ang lokal na pamahalaan, Oriental Mindoro Police Provincial Office at Regional Police Office.
Nasaan na nga ba sina Gen. Badua at Col Revita?
Hanggang kailan mananatiling tikom ang kanilang bibig at walang aksyon laban sa iligal na gawaing ito na sumisira sa kabuhayan at moral ng kanilang mga nasasakupan.
Hindi rin makakaligtas sa pananagutan ang mga nabanggit na opisyal ng kapulisan Tulad nina PCol Revita at Gen. Badua na may malinaw na mandato na sawatain ang lahat ng uri ng iligal na sugal at droga.
Ngunit sa halip na pagkilos, tila may umiiral na katahimikan at pagpapabaya ang mga nabanggit na PNP officials.
Habang patuloy ang gabi-gabing operasyon ng mga iligal na sugal, dumarami naman ang mga nagiging biktima ng kahirapan, bisyo, at kriminalidad.
Kung tunay na may malasakit sa bayan ang mga nabanggit na opisyal ng kapulisan, panahon na para ipakita ng mga halal na opisyal at mga tagapagpatupad ng batas na hindi sila kasabwat sa katahimikan.
Sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor, matagal nang umiikot ang pera ng color games at drop ball baraha — ngunit kailan pa kikilos ang mga dapat lumaban dito?
Tulane natin ito
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email: balyador69@gmail.com