Advertisers
Nagbigay ng mga paalala at alternatibong paraan ang Northern Police District sa ilalim ng pamumuno sa Camanava Area ni NPD Director PBGen. Christopher dela Cruz sa isang mapayapa at ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon.at iwasan na ang pagpapaputok upang maging ligtas ang bawat isa.
Inilahad nito ang mga bawal o prohibited firecrackers tulad ng Watusi, Lolo Thunder, Boga, Poppop, Atomic Triangle, Kwiton, Pla-pla, Mother Rockets, Hello Columbia, Piccolo, Goodbye Philippines, Tuna, Five Star, Goodbye Delima,. GPH Nuclear, Giant Bawang, Goodbye Napoles, Giant Whistle Bomb, Coke-in-Can, Atomic Bomb, Bin Laden, Large-size Judas Belt, Pillbox, Super Lolo,
Kabasi, Goodbye Bading, Super Yolanda, Goodbye Chismosa, King Kong, at Dart Bomb.
Payo ng opisyal, salubungin na lamang ang 2026 sa paggamit ng torotot, paglikha ng ingay gamit ang kaldero, pagpapatugtog ng malakas, busina ng sasakyan, safe na paluces at pagdalo sa fireworks display.
Inatasan din ni PBGen dela Cruz ang mga chiefs of police ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela na tiyakin ang peace and order situation sa kanilang nasasakupan upang maging payapa at ligtas ang buong kapaligiran.(Beth Samson)