Advertisers

Advertisers

LTO: PASAWAY NA E-TRIKE KUKUMPISKAHIN

0 18

Advertisers

MARIING nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpapatupad ng mas mahigpit na e-bike at e-trike ban sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay LTO chief, Asec. Markus Lacanilao, sa darating na linggo ay magsisimula na silang mag-impound at magpataw ng multa sa mga mahuhuling lumalabag kaugnay rito.



Paliwanag niya, hindi sana nila gustong mag-impound ng sasakyan, pero dahil masyado nang mabigat ang mga violations at paulit-ulit ay kailangan na nilang mas higpitan ang implimentasyon.

Maaari namang madagdagan ang kanilang multa kung may makikita pang ibang paglabag ang mga manghuhuli at kung paulit-ulit na ang mga paglabag.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">