Advertisers

Advertisers

‘Pag-aresto kay ret. MajGen. Poquiz garapal’

0 15

Advertisers

UMALMA si Atty. Ferdinand Topacio sa pag-aresto ng mga awtoridad kay retired General Romeo Poquiz sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Lunes, Enero 4, 2026.

Dumating si Poquiz sa paliparan mula sa isang bakasyon sa Bangkok, Thailand.

“Dumating ‘yung eroplano natin coming from Thailand is 8:11 a.m., 8.30 a.m. ‘yung expected natin na dating niya, kaso napaaga ‘yung dating ng eroplano,” sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG-NCR) chief Colonel John Guiagui.



“Binasahan natin siya ng Miranda Rights niya. Pinaalam natin ‘yung warrant of arrest for inciting to sedition, which was ang nagbigay nito is ‘yung sa Quezon City Regional Trial Court 77,” dagdag pa ni Guiagui.

May kaugnayan ang arrest warrant na isinilbi ng pulisya laban kay Poquiz sa kasong sedisyon na inihain laban sa kanya dahil sa partisipasyon nito sa kilos-protesta sa People Power Monument sa Quezon City noong Nobyembre 16 at 17, 2025.



Ayon kay Topacio, masyadong garapal ang pagka-aresto kay Poquiz at hindi man lamang sila pinalapit ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang kliyente.

Mula NAIA, dinala sa Camp Karingal para sa pagproseso at mula sa kampo dadalhin si Poquiz sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 77 para sa paghahain ng piyansa.



Si Poquiz ang pinuno ng United People’s Initiative (UPI) kungsaan kasapi rin si Topacio.