Advertisers

Advertisers

DOH HOSPITALS, ‘DI SAKLAW NG GUARANTEE LETTER

0 12

Advertisers

NILINAW ng Department of Health na hindi kailangang dumaan sa mga pulitiko ang mga pasyenteng nais makinabang sa zero balance billing program ng pamahalaan sa mga pampublikong ospital.



Sa Palace press briefing, iginiit ni DOH Secretary Ted Herbosa na hindi saklaw ng guarantee letter o endorsement ang mga serbisyong ibinibigay sa mga DOH hospitals na nasa ilalim ng zero balance billing.

Ayon kay Herbosa, sapat nang magtungo ang pasyente o kamag-anak nito sa social worker unit ng ospital o sa tanggapan ng hospital director upang maayos ang dokumento at matiyak na wala nang babayaran.



Samantala, nilinaw din ng kalihim na bagama’t maaari pa ring humingi ng tulong sa mga pulitiko, ang mga endorsement na ito ay karaniwang ginagamit na lamang para sa gastusin sa mga pribadong ospital.

Dagdag pa ni Herbosa, patuloy na palalawakin ng administrasyon ang zero balance billing program at nakatakda itong ipatupad hindi lamang sa DOH hospitals kundi pati na rin sa mga ospital na pinamamahalaan ng mga Local Government Units. (Gilbert Perdez)