Advertisers

Advertisers

53 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING SA CAMBODIA, LIGTAS NA NAKABALIK SA BANSA

0 4

Advertisers

LIMAMPUT TATLONG biktima ng human trafficking kabilang ang dalawang (2) nangangailangan ng medical attention ang ligtas na dumating noong Biyernes ng umaga, Marso 13, 2026 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, sa Pasay City.

Ayon sa Department of Migrant workers (DMW) , ang pagdating ng mga biktima sakay ng Philippine Airlines flight PR 2622 mula Phnom Penh, Cambodia, ay sa pamamagitan ng koordinadong pagsisikap ng Embahada ng Pilipinas sa Cambodia at ng Department of Migrant Workers’ Rapid Response Team na nagpadali sa kanilang ligtas na pagbabalik sa Pilipinas.

Ang mga biktima ay nirekrut upang magtrabaho sa Cambodia sa pamamagitan ng messaging app na Telegram, at pinangakuan ng suweldo mula 600-1,000 USD at mga valid working visa.

Isa sa mga biktima ang nagsabi sa DMW at Immigration na siya ay inabuso at pinilit na gumawa ng 300 push-up, ginutom, at pinagkaitan ng suweldo dahil sa hindi pag-abot sa quota na 26 bawat araw na kliyente ng love scam .

Habang ang dalawang biktima ay nangangailangan ng medikal na atensyon, ang isa ay may kidney failure at ang isa naman ay may bali sa clavicle dahil sa aksidente sa sasakyan.

Ang mga biktima ay sinalubong mula sa DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Bureau of Immigration (BI), NAIA Task Force Against Trafficking (TFAT), Department of Health (DOH), at MIAA Medical team upang matiyak ang wastong pagproseso at agarang suporta.

Ang 53 biktima ay binigyan ng tulong sa tirahan habang hinihintay ang pagproseso ng kanilang mga pahayag at makakatanggap din sila ng komprehensibong tulong, kabilang ang psychosocial counseling, suporta sa reintegration, at iba pang recovery services and transport patungo sa kanilang mga probinsya. (JOJO SADIWA)