SINGSON, DIREKTANG INAKUSAHAN SINA ROMUALDEZ AT PBBM NA UMANO’Y MGA ‘MASTERMIND’ SA FLOOD CONTROL SCANDAL?
Advertisers
TAHASANG sinabi ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez ang “mastermind” sa umanoy isyu ng korupsyon sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isang press briefing noong Lunes, Enero 6, tahasang sinabi ni Singson na isinama umano si dating Ako Bicol Party-List Representative Elizaldy ”Zaldy” Co para maging mas malawak at organisado ang collection sa flood control projects.
Iprenisenta rin ng dating gobernador ang 14 na congressman na may bilyong halaga umanong allocables fund.
Nangunguna umano rito si House Majority Leader Sandro Marcos na mayroon umanong higit na P15- billion na allocables sa flood control projects.
Wala pang tugon ang Malacañang kaugnay ng mga alegasyong ipinupukol ni Singson.
Samantala, nanawagan din ang dating gobernador sa mga religious group na magsanib-puwersa at magsagawa ng protesta kaugnay ng umano’y mga anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.
Ayon sa kanya personal niyang kakausapin ang iba’t ibang religious organizations upang hikayatin ang kanilang pakikiisa sa panawagang pagtutol sa graft and corruption. Hinimok din niya ang mga Pilipino na lumahok sa kanyang tinawag na isang “one-time, big-time” rally.
Subaybayan natin!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com
Lagi ring tumutok sa programang BALYADOR tuwing martes at linggo 2:30pm-3:30pm sa DWBL 1242 kHz AM band Mega Manila. – Tuwing biyernes at Sabado 11:00am-12noon sa DWXR 101.7 FM Calapan City, Oriental Mindoro.