Advertisers
ITO raw ang pramis ng kampo ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa lahat ng mambabatas, government officials partikular mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na mga sangkot sa katiwalian sa multi-billion flood control funds.
Oo! Kapag naluklok daw si Sara sa pagkapangulo ay maaabsuwelto lahat ng sangkot sa ghost at sub standard flood control projects, mababasura rin ang Plunder cases laban sa mga politiko partikular kongresista at senador, at sa mga kasabwat nilang kontraktor.
Ang unang hakbang ng kampo ni VP Sara ay magsasampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr..
Pero dahil suntok sa buwan ang hakbang na ito dahil nga karamihan sa mambabatas ay nasa kampo ni PBBM, ang tatrabahuin nalang nila ay ang 2028 presidential election.
Naniniwala ang kampo ni VP Sara na mananalo sila sa darating na presidential battle, base narin sa mga lumalabas na survey kungsaan malaki ang lamang ni Sara sa mga inaasahang makakatunggali na sina Raffy Tulfo, Risa Hontiveros at Leni Robredo.
Si Tulfo ang pinakamahigoit na kalaban ni Sara, ayon sa mga survey.
Pero malayo pa ang eleksyon sa panguluhan, higit 2 taon pa. Marami pang mangyayari. At alam ito ng kampo ni Marcos. Kaya gumagawa narin sila ng mga plano para mapatalsik o hindi makatakbo si Sara sa 2028. Isa sa mga plano ay i-impeach si Sara. Mismo!
Magtatapos sa Pebrero ang 1 year ban sa pagsampa ng impeachment laban kay Sara, matapos na mabasura ang unang isinampa laban sa kanya dahil daw sa mga teknikalidad at pagmaniobra ni noo’y Senate President “Chiz” Escudero.
Matatandaan na inupuan ni Escudero ang isinampang impeachment complaint ng kongreso laban kay Sara last year, inabutan ng pagbakasyon ng mga senador kaya hindi umusad ang sana’y impeachment trial.
Malakas ang paniniwala ng kasalukuyang kongreso na mapapatalsik si Sara dahil narin sa mga solidong ebidensiya na magdidiin sa pangalawang pangulo sa mga kasong katiwalian.
Alam din ito ng kampo ni VP Sara. Kaya ginagapang na ng mga ito ang mga mambabatas na sangkot sa flood control scandal para magtulungan silang manatili sa puwesto si Sara at manalo sa 2028.
Kaabang-abang ito. Subaybayan!
***
Sa latest survey hinggil sa performance ng mga senador, bagsak na bagsak sina Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Chiz Escudero at Bato dela Rosa, habang mataas naman ang rating nina Bam Aquino, Risa Hontiveros, Bong Go, magkapatid na Raffy at Erwin Tulfo.
Lumalabas tuloy ngayon na sina Bam at Risa ang malamang na mag-tandem sa 2028. Puede!