Advertisers
ARESTADO sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad ang most wanted na lalaki na sangkot sa kaso ng pagpatay sa Bulacan.
Sa report ni PLt. Col. Jayson F. San Pedro, kay PNP Provincial Director PCol. Angel Garcilliano, kinilala ang naaresto na si alyas Roffer, 28-anyos, at residente sa nabangit na lugar.
Base sa paunang imbestigasyon nang mga pulis nadakip ang suspek nito lamang Enero 11 2026 10:30 ng umaga sa Brgy. Sulivan, Bulacan.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na Criminal Case No. 7521-M-2025, sa kasong murder na inisyu ni Hon. Veronica A Vicente -De Guzman Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 9, sa Malolos City.
Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Baliwag City Jail kung saan walang piyansang inerekuminda ang korte para sa kanyang kalayaan.(Thony D. Arcenal)