Advertisers
NAARESTO ang 7 katao na nagholdap sa isang convenience store sa Jaen, Nueca Ecija sa isinagawang ope-rasyon sa Greater, Lagro, Novaliches, Quezon City nitong Lunes.
Kinilala ang mga naaresto na sina Richard Ramilo, 61 anyos, ng Sarili Compound, Brgy. 171, Bagumbong, Caloocan City; Jay R Carrisili, 36, ng Tinagba St., Brgy. Greater Lagro, Quezon City; John Allan De Guzman, 48, ng GPLZ Malagasana, Imus, Cavite; Manolito Susano, 30, na Tinagba St, Brgy. Greater Lagro; Alvin Cruz, 44, ng Tinagba St., Brgy. Greater Lagro; Mariel Susano, 27, ng Tinagba St., Brgy. Greater Lagro; at Raymond De Vera, 38, ng B.F. International Village, Las Piñas City.
Ayon kay Brigadier General Ponce Rogelio Penones Jr, Regional Director ng PRO3, 2:00 ng hapon nang maaresto ang mga suspek sa follow up operation ng pinagsanib na mga elemento ng Jaen MPS, PIU- NEPPO at Quezon City Police sa Barangay Greater.
Nabatid na mabilis na bu-maba ang mga suspek na sakay sa isang L300 van at pinasok ang Alfamart convenience store sa Brgy. Dampulab Jaen 4:30 ng umaga ng Lunes.
Tinangay ng mga armadong suspek ang vault ng tindahan na naglalaman ng humigit-kumulang P82,600.00 na katumbas ng tatlong araw na benta, iba’t ibang grocery items na nagkakahalaga ng P12,000, at maging ang EC Pay Kiosk.
Agad nagpalabas ng flash alarm at sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na hot-pursuit operations, na may kasamang GPS at CCTV tracking, natunton ng mga puwersa ng pulisya ang rutang dinaanan ng mga tumatakas na magnana-kaw.
Nakita ng mga operatiba ang ang EC Pay kiosk sa isang damuhang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) Southbound sa Marilao, Bulacan 8:45 ng umaga.
Sa pagpapatuloy ng follow-up operation, natunton ng mga operatiba ang hide-out ng mga suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.
Narekober ng mga operatiba ang isang Mitsubishi L300 van (NHG 9689); isang semi-automatic 9mm pistol; isang 12-gauge shotgun SN# 630-H23PT-217 na may bala; mga plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias; safety vault na may hindi pa matukoy na ha-laga ng pera; 2 bakal na crowbar; 2 pait (flat at pointed); 2 cellphone (Samsung at Redmi); power hack grinder; plakang NKI 4600 na ginamit ng mga suspek; isang Nike na itim na backpack; at iba’t- ibang grocery items mula sa Alfamart.
Dinala ang mga suspek sa Jaen Municipal Police Station habang sumasailalim sa im-bestigasyon at pagsasampa ng mga kasong kriminal.(Mark Obleada)