Advertisers

Advertisers

ZALDY CO NAGPADALA NG FEELER SA OMBUDSMAN

0 14

Advertisers

IBINUNYAG ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Miyerkules na may natanggap silang pahiwatig mula kay dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co na nais nito makipagdayalogo sa pamahalaan.

Ayon kay Remulla, ipinadaan ni Co ang pahiwatig sa ilang pari na kakilala nito patungo sa Office of the Ombudsman, bagaman hindi pa ito nabeberipika.

“Meron na siyang feelers na through sa mga ibang pari na kilala niya… parang nagpapa-connect na gusto ng dialogue sa amin. Pero of course, that’s not verified. Parang nagsabi palang. Sinabi ng sinabi ng kaibigan na pinaparating,” ani Remulla.



“We take them seriously. ‘Yung gustong makipag-dialogue, kakausapin namin ‘yan,” dagdag niya.

Muli ring kinumpirma ni Remulla na nasa Portugal si Co, na mayroong Portuguese passport.



“Dati kasi ang Portugal ay may golden visa program. So mag-invest ka ng so many hundred thousand of dollars, bibili ka ng bahay. After so many years, bibigyan ka ng passport. Una visa tapos passport,” paliwanag niya.

“Ang batas ng Portugal, ‘pag before the issuance of the passport, pwede siya i-deport. Kung nasa kanya na ‘yung passport, then he committed the crime, then he has to be tried there,” dagdag pa niya.



Mayroon naman aniyang ibang paraan para maaresto si Co mula Portugal kahit walang extradition treaty ang Pilipinas sa bansa, bagaman hindi na ito tinukoy. (Mark Obleada)