Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
Para kay Willie Revillame, kahit natalo siya nu’ng tumakbo siya bilang Senador nung nakaraang national election ay parang nanalo na rin siya.
Sabi ni Willie, “Siguro hindi talaga ‘yun para sa akin. Actually ‘yung pagkatalo ko, para sa akin nanalo pa ko, e. Isipin n’yo kung nandu’n ako ngayon paano, ano’ng gagawin ko?
“Kanino ako sasama, kanino ako kakampi? So, for me ang politika hindi dapat politika, e, public servant ka dapat.
“Tumakbo ako para mag-serbisyo sa bayan, sa mga tao. Hindi ako tumakbo para kampihan ko sila,” ang pahayag ni Kuya Wil na ang tinutukoy ay ang iba’t ibang partido sa politika.
Pagpapatuloy niya, “Kung nasa Senado ako, tapos kakampihan ko ang partidong ito tapos galit sa akin ‘yung kabila, napakahirap. Kung tatakbo ako, para sa mga mahihirap na Pilipino para makagawa ng batas.
“Alam n’yo nu’ng ini-interview ako, sinabi kong wala akong alam, totoo naman, e, bakit? Gusto kong malaman ‘yung mga nagawang batas.
“Kasi napakarami nang ginawang batas ng magagaling na senador, ano pa ba ‘yung mga hindi nagagawa? Magdadagdag pa ba ako ng batas?
“Ano bang importanteng mga batas? Una, edukasyon, kalusugan, kahirapan, trabaho at magkaroon ng magandang pamumuhay ang mga Pilipino,” pahayag pa ng TV host.
“Kasi napakarami nang ginawang batas ng magagaling na senador, ano pa ba yung hindi nagagawa? Magdadagdag pa ba ako ng batas?
“Ano bang importanteng mga batas? Una, edukasyon, kalusugan, kahirapan, trabaho at magkaroon ng magandang pamumuhay ang mga Pilipin
“Tapos nakikita natin ang mga nangyayari ngayon, good thing naisiwalat ito.”
Samantala, may bagong game show si Kuya Wil. Ito ay ang Wilyonaryo na mapapanood sa TV 5.