Advertisers

Advertisers

P50k reward vs killer ng ‘askal’ sa Caloocan

0 8

Advertisers

MAGBIBIGAY ng pabuyang aabot sa P50,000 ang Animal Kingdom Foundation (AKF) sa makapagbibigay ng impormasyon patungkol sa meat vendor na pumatay sa isang “askal” sa Caloocan City.
Kaugnay ito sa napaulat na asong nasawi matapos tagain dahil sa pagtangay nito ng kapirasong karne sa tinda-han.
“Sa isang iglap, gutom ang naging sentensiya niya. Isang kutsilyo kapalit ng kaunting makakain. Isang asong sinaktan sa Caloocan,” panimula ng AKF sa ibinaba nilang anunsiyo sa kanilang social media post nung Huwebes, Enero 22.
Dagdag pa nila, “P50k reward para sa impormasyong magtuturo sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng taong sumaksak sa aso sa Caloocan.”
Mariin ding kinondena ng organisasyon ang karahasan ng ilang indibidwal laban sa mga hayop.
“Kung ligaw at gutom—tulungan, huwag saktan. Hindi krimen ang magutom. Krimen ang karahasan laban sa ha-yop,” anila.
“Mariing kinokondena ng Animal Kingdom Foundation ang karahasang ito. Hindi krimen ang magutom. Ang krimen ay ang paglabag sa Animal Welfare Act (RA 8485 at RA 10631.), (Beth Samson)