Advertisers
IGINIIT ni Philippine National Police chief Lt. General Jose Melencio Nartatez, Jr. na walang impormasyon na nagtatago ang wanted gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang sa Caraga Region.
Ginawa ni Nartatez ang pahayag sa isang press conference sa Police Regional Office (PRO) 13 sa Butuan City.
Inutusan niya ang PRO-13 na palakasin ang manhunt laban kay Ang sa rehiyon.
Si Ang ay nahaharap sa mga kasong kidnapping with homicide kaugnay ng mga nawawalang sabungero.
“Tulungan natin, baka makita natin, baka nandito ang ating hinahanap na Atong Ang,” ani Nartatez, na nanawagan sa mga lokal na sabungero na tumulong sa paghahanap.
Sinabi ni Nartatez na naaresto na ang anim na co-accused ni Ang, at ginagamit ng PNP ang lahat ng mapagkukunan at nakikipag-ugnayan sa internasyonal na lebel upang hanapin ang itinutring na No. 1 most wanted sa Pilipinas.