Advertisers

Advertisers

253 rockfall events naitala sa nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

0 11

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 253 na rockfall events mula sa nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon na nasa Alert Level 3 pa rin.

Batay ang nakuhang datos sa 24 oras na monitoring ng ahensya mula alas-12 ng hatinggabi ng Enero 24 hanggang 12:00 a.m. ng Enero 25.

Bukod sa pagguho ng mga bato, naitala rin ng PHIVOLCS ang isang volcanic earthquake, isang nagpapatuloy na volcanic tremors, at 44 na pyroclastic density current o uson.



Nasa 2327 na tonelada ng sulfur dioxide o asupre naman ang naibuga ng bulkan habang umabot naman ng 600 metro ang plume nito na napadpad sa timog-kanluran at hilagang-silangan.

Kaugnay nito, nakuhanan din ang patuloy na effusive eruption ng Mayon Volcano kung saan namataan ang lava flow sa Mi-si, Bonga, ay Basud Gullies.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">