Advertisers
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.
ARESTADO sa entrapment operation ang isang babaeng empleyado ng Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Region 2 dahil sa robbery-extortion o pangongotong.
Sa ulat ni Major Merwin Villanueva, hepe ng Cabagan Police Station, kay Colonel Manuel Bringas, direktor ng Isabela Police Provincial Office, nagsumbong sa kanilang himpilan ang 56-anyos na negosyante sa Barangay Catabayungan, Cabagan, Isabela, tungkol sa pangingikil ng 35-anyos na babaeng taga-DENR.
Sa salaysay ng biktima, unang linggo ng November 2025 nang nakatanggap siya ng liham mula sa DENR Regional Office 2 kaugnay sa alegasyong hindi maayos na pagtatapon ng gamit na langis at baterya sa kanyang gasolinahan.
Nang makausap ng biktima ang babae, nangako itong aayusin ang problema kapalit ng P60,000, at nagbanta pa ng posibleng ipasara ang negosyo kung hindi mababayaran ang hinihinging halaga.
Dahil dito, nagbigay ang complainant ng tseke na P40,000 at karagdagang P20,000 cash.
Muling humingi ng pera ang babae, dahilan para humingi ng tulong ang biktima sa pulisya.
Sa ikinasang entrapment operation, nahuli sa akto ang babae na tinanggap ang P60,000 cash at budol money
Nakumpiska rin sa babae ang cellphone na hinihinalang gamit niya sa transaksyon. (Rey Velasco)