Advertisers
NAGPADALA na ng operatiba ang Philippine National Police (PNP) sa Cambodia upang tukuyin kung naroon at nagtatago ang takas na gambling tycoon “Atong” Ang, ayon kay Interior and Local Government Secretary John Victor Remulla.
Ayon kay Remulla, patuloy ang kanilang isinasagawang beripiksyon sa report na sa Cambodia si Ang, batay sa pahayag ng witness whistleblower na si Julie Patidongan.
“Ayon kay Julie Patido-ngan. It’s a suspicion and you cannot rule out anything so lahat pinupuntahan, lahat ti-tingnan, andun na ‘yung mga pulis namin ngayon, tiningnan ang mga possible entry points at saka nag-coordinate na kami sa mga counterparts namin sa Cambodia para tingnan kung andun talaga siya,” pahayag ni Remulla.
Sinabi ni Remula, sinuyod na ng mga tracker team ang may 18 lugar na posibleng pagtaguan ni Ang sa nakalipas na dalawang linggo matapos ilabas ang warrant of arrest laban dito, nguni’t bigong matagpuan ang nasabing negosyante.
“We’ve had 18 raids in the last 2 weeks. So 18 lugar na pinuntahan namin sa nakaraang 2 linggo, lahat negative pa pero lahat ito known na pinupuntahan niya for the last,” saad ni Remulla.
Aniya, ang paniwala ko si Atong at least meron siyang P10 billion in cash kasi sa tingin ko kinita niya P1 billion a day for 3 years revenues. Ila-gay mo sa kanya doon kalahati so you are talking about P150 billion a year. Marami doon ginastos niya pero lagay mo may P10 billion cash ka nga-yon ilang tao ang kaya mong bilhin papalabas at papasok kahit saan lugar.
“So ine-examine namin ang lahat ng detalye, titingnan namin kung andun siya sa Cambodia at saka sa Thailand at saka sa lahat sa Southeast Asia umiikot na kami,” dagdag ni Remulla.
Inihayag ni Colonel John Guiagui, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region (CIDG-NCR), nagsasagawa na sila ng beripikasyon sa report na si Ang ay nakalabas na ng bansa at nagtatago ito sa Cambodia o Thailand.(Mark Obleada)