Advertisers

Advertisers

6 Grade 12 students pinaulanan ng bala sa Batangas

0 32

Advertisers

ANIM na mga estudyante ng Grade 12 ang masuwerteng ‘di nahagip ng mga bala nang pagbabarilin ng isang lalaki na nabuwisit nang pindutin umano ng isa sa mga kabataan ang kanilang doorbell sa kahabaan ng Almamater Street, District 2F, Barangay Marauoy, Lipa City nitong Lunes, Enero 26, 2026.
Sa ulat ng pulisya, nangyari ang pamamaril 2:30 ng madaling araw.
Ang salarin ay isang lalaking residente ng Barangay Marauoy, habang ang mga biktima ay Grade 12 students na mga residente sa naturang lungsod.
Base sa imbestigasyon, lima sa mga biktima ay naghatid sa isa nilang kasama pauwi ng bahay sakay ng isang Toyota Vios. Habang paalis na ang kanilang sasakyan sa lugar, lumabas umano ang lalaki galing sa loob ng bahay na may dalang maikling baril at pinaputukan ang sasakyan mula sa likuran, pero masuwerteng walang tinamaan ng bala.
Bago pa ang pamamaril, dumating ang mga biktima sa lugar upang sunduin ang isa nilang kasama. Habang naghihintay, isa sa kanila ang pumindot sa doorbell ng bahay ng salarin, na posibleng nag-udyok ng galit nito. Dahil sa takot, agad pinaharurot ng driver ang sasakyan palayo sa lugar.
Ipinaalam ng mga biktima sa kanilang mga magulang ang insidente, at agad itong ini-report sa Lipa Component City Police Station na kaagad ding umaksiyon, nagresulta sa pagkakaaresto sa lalaki at pagkakarekober ng isang (1) Optimus Custom caliber .45 pistol, kasama ang isang (1) magazine na may dalawang (2) bala.
Nasa kustodiya na ngayon ng Lipa City PNP ang salarin, na nahaharap sa ang mga kaukulang kaso.(KOI LAURA)