Advertisers

Advertisers

6-anyos anak ng pulis muntik makidnap sa iskul

0 9

Advertisers

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

NAKALIGTAS sa tangkang pagkidnap ang 6-anyos na babaeng anak ng pulis dahil sa matalas na pakiramdam ng security guard ng eskuwelahan sa San Mateo, Rizal.
Nagulat ang mga guro at mag-aaral ng Maranatha Christian Academy sa Kambal Road, Barangay Guitnang Bayan 2, San Mateo nang biglang pumasok ang isang lalaking sakay ng motorsiklo sa loob ng paaralan Lunes ng tanghali.
Ayon sa imbestigasyon, ipinakilala ng lalaki ang sa-rili sa school security guard at sinabing may pahintulot siyang kunin ang batang si “Inday”, anak ng 37-anyos na pulis.
Nguni’t napansin ng guwardiya ang kakaibang kilos at posibleng malisyosong intensyon ng lalaki, kaya mahigpit niyang tinanggihan ang pagpapalabas sa bata.
Agad ipinaalam ng guard sa school management ang insidente at pinakontak ang mga magulang.
Kinumpirma ng pulis na walang pahintulot ang lalaki na kunin ang kanyang anak.
Nang makita na hindi niya makukuha ang bata, mabilis na tumakas ang lalaki sakay ng kanyang motorsiklo, papunta sa Batasan Hills, Quezon City.
Hindi pa malinaw ang motibo sa tangkang kidnapping at patuloy ang imbestigasyon ng San Mateo Municipal Police Station.
Nakatakdang sampahan ng kaso ang lalaki na na-kilala rin sa pangalang Janry, na umano’y nakatira sa Batasan Hills.