Advertisers
BANGKAY na nang ma-tagpuan ang nawawalang policewoman, na naiulat na nawawala mula Enero 19, habang patuloy paring hinahanap ang kanyang walong taon gulang na anak, sa Pulilan, Bulacan.
Natuklasan ang katawan ng biktima 3:30 ng hapon ng Sabado sa isang creek, sa kahabaan ng Pulilan–Baliuag Bypass Road, nakabalot sa tela, itim na basura, at plastik, at nasa kalagayan ng pagkabulok.
Kinilala ang biktima ng kanyang asawa at kapatid sa pa-mamagitan ng mga tattoo at damit na si Diane Marie G Mollenido, 38, ng Brgy. Lower Bicutan Taguig City.
Ang person of interest, na asawa ng biktima, ay nasa kustodiya na ng pulisya, habang iniimbestigahan ng awtoridad ang motibo sa krimen.
Bumuo ang Southern Police District ng Special Investigation Task Group (SITG), na binubuo ng Ta-guig City Police, Quezon City Police, CIDG, at Bulacan PPO, upang pabilisin ang imbestigasyon.
Nakatalaga ang biktima sa Regional Personnel and Records Management Division ng NCRPO, at huling nakita Enero 16, papunta umano sa Novaliches, Quezon City kasama ang anak.
Patuloy ang pulisya sa pa-ngangalap ng CCTV footage at dokumento mula sa iba’t ibang ahensya upang subaybayan ang mga kilos ng mga sangkot.(Thony Arcenal)