Advertisers
ARESTADO ang isang dating Sangguniang Kabataan (SK) chairman at Malaysian national nang masamsam mula sa kanila ang P70.8 milyong halaga ng marijuana sa Bonga, Tawi-Tawi.
Kinilala ang mga naaresto na si Chomen, isang Malaysian; at Jerry na nakikipag-date sa SK chair, na nahuli sa isang buy-bust operation sa Barangay Pasiagan noong Enero 26.
Narekober mula sa kanila ang isang kilo ng dried marijuana kush, 50 bags ng tinatayang 25 kilo ng dried marijuana kush, at 135 bags ng 33.75 kilo na fully grown dried marijuana.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bongao Municipal Police Station ang dalawa. (Mark Obleada)