Advertisers

Advertisers

PBBM inaprubahan ang dagdag P7.372-B para sa mga guro, kawani ng pamahalaan

0 19

Advertisers

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalabas ng karagdagang PhP7.372 bilyon para masakop ang natitirang mga kinakailangan sa pagpopondo para sa 2025 Service Recognition Incentive (SRI) ng mga kwalipikadong guro at non-teaching personnel sa buong bansa.

Sa isang press briefing sa Malakanyang nitong Martes, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM), sa pangunguna ni Acting Secretary Rolando Toledo, ang pondo.

“Layunin nito na matustusan nang buo ang natitirang cash requirement para sa Fiscal Year 2025 Service Recognition Incentive o SRI ng mga guro at non-teaching personnel sa buong bansa,” sabi pa ni Castro.



Inaprubahan ng DBM ang kaukulang Notice of Cash Allocation (NCA) noong Enero 27, 2026, ayon kay Castro.

Sa pag-apruba ng karagdagang cash allocation, ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay nakatakda na ngayong tumanggap ng buong halaga ng kanilang SRI.



Noong Disyembre 11, naglabas si Pangulong Marcos ng Administrative Order (AO) 40, na nagpapahintulot sa pagbibigay ng isang beses na Service Recognition Incentive sa lahat ng mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno para sa taong 2025. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">