Advertisers

Advertisers

DOJ ibinasura ang 3 excise tax complaints vs mag-asawang Discaya

0 9

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na tuluyang niresolba na ang 5 reklamong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

Ito mismo ang ibinahagi ni Atty. Polo Martinez, spokesperson ng naturang kagawaran, nang matanong hinggil sa mga reklamong kinakaharap ng mag-asawa.

Ayon kay Martinez, dalawa rito ay nakatakdang ihain at isampa na sa Court of Tax Appeals laban sa mga Discaya matapos matukoy ng prosekusyon ang reklamo.



Kung saan batay sa naging resolusyon nito ay nakitaan ng ‘prima facie of evidence with certainty of conviction’ o matibay na ebidensya makapagpapatunay sa alegasyon.

Partikular na sasampahan sila ng kasong paglabag sa Section 154 at 155 ng National Internal Revenue Code.



Bunsod nito’y lumalabas na bigo raw ang mga Discaya na ibahagi ang totoo at tamang impormasyon sa kanilang ‘Income Tax Returns’.

Dagdag pa niya’y tinago umano ng mag-asawang Discaya sa kanilang ‘Income Tax Returns’ ang tunay na kinita sa Taxable Year 2020 at 2021.



Ito aniya raw ang nadiskubre ng ‘panel of prsecutors’ kung saan napag-alamang hindi ibinahagi ng mag-asawa ang totoong halaga ng kanilang kinita.

Samantala, kaugnay pa rito’y kinumpirma rin ni Justice Spokesperson Martinez na ibinasura ng prosekusyon ang 3 excise tax cases laban sa mga Discaya.

Kanyang sinabi na ang pagkakabasura ay bunsod nang matukoy ng prosekusyon na hindi naman ‘importer’ ang naturang mag-asawa.

Sa ilalim daw kasi ng batas, walang pananagutan ang mga ito sapagkat ang ‘excise tax’ ay responsibilidad ng importer.