Advertisers
SUGATAN sa pananambang ang mayor ng Barobo, Surigao del Sur.
Ayon sa ulat, nangyari ang ambush kay Mayor Ronito Martizano sa Barangay Dughan ng nasabing munisipalidad Martes ng hapon, Pebrero 3.
Sa inisyal na ulat mula sa isa sa mga eskort ng alkalde, hinarangan ng isang Toyota Vios ang kanilang daanan at pinaulanan sila ng mga bala ng baril.
Nagawa pang makapagmaniobra ng van ang drayber kaya nakaligtas ang mga ito.
Makikita sa mga larawang ipinost sa social media na tinadtad ng bala ang sasakyan.
Agad dinala si Mayor Martizano sa ospital. Ligtas ang alkalde at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.
Nangyari ang insidente isang linggo matapos ipag-utos ng alkalde ang pagbaklas sa mga kagamitan na gina -gamit sa illegal tunnel mining operations na pinaniwalaang pinatatakbo ng Chinese financiers.