Advertisers

Advertisers

‘Impeachments’ vs PBBM, basura sa Kamara!

0 19

Advertisers

IBINASURA ng House Committee on Justice nitong Miyerkules ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., matapos matukoy na kulang umano ang mga ito sa sapat na batayan.

Matapos ang tatlong araw na pagdinig, nagpasya ang komite na “insufficient in substance” ang mga reklamo.

Ang unang reklamo ay inihain ng abogado na si Andre de Jesus, habang ang ikalawa ay mula sa Makabayan bloc na pinangunahan ni dating Gabriela Rep. Liza Maza.



Bumoto ang komite ng 42-1, na may tatlong abstention, para ibasura ang reklamo ni De Jesus.

Samantala, nabigo ang mosyon ni Deputy Minority Leader at Caloocan Rep. Edgar Erice na ideklarang may sapat na batayan ang reklamo ng Makabayan, matapos itong matalo sa botong 39 laban sa pito.



Bago ang botohan, iginiit ni Committee Chairperson Rep. Gerville Luistro ng Batangas ang bigat ng responsibilidad ng mga mambabatas sa pagdedesisyon, na aniya’y hindi lamang usaping legal kundi politikal at moral din, at dapat isaalang-alang ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.

“Hindi lang ito usapin ng legalidad. Ito ay usapin ding politikal at moral. Let us vote not out of convenience, let us vote with your conscience,” wika nito.



“Isipin natin ang kapakanan ng bawat Filipino. Let us prove that in this hall, the interest of the Filipino people comes first,” mariing pahayag ni Luistro.

Sinabi ni Luistro na bilang presiding officer ng tatlong araw na pagdinig, sinadya niyang maging liberal upang mabigyang-daan ang pagtalakay sa lahat ng pananaw at magkaroon ng mas malawak na perspektiba sa mga reklamo.

Idinagdag ni Luistro na naging malawakan at masinsinan ang mga deliberasyon.