Advertisers
NAGING matagumpay ang ‘refresher course’ para sa mga kwalipikadong miyembro ng Lupon Tagapamayapa na ginanap noong Miyerkules, February 4,2026 sa Barangay 199 Zone 20 sa Pasay City.
Ang maikling kurso sa pagsusuri o pag-update ng mga nakaraang pag-aaral ay pinamunuan ni Barangay Chairman Marlo ‘Super Eagle’ Raymundo, upang lalong masanay ang mga miyembro ng Lupon kung paano nila pahahalagahan ang kanilang propesyon na may itegridad at walang kinikilingan.
Isa sa pangunahing tinalakay ni Kap Raymundo ang Katarungang Pambarangay Chapter 7, R.A. 7160, kasama ang mga probisyon para sa maayos na pag-aayos ng mga hindi pagkakaunawaan sa antas ng barangay, na binabawasan ang mga caseload sa mga korte.
Sa esensya, binago ng RA 7160 ang lokal na pamamahala ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na kontrol at mapagkukunan sa mga local leaders upang matugunan ang mga partikular na pangangailangan ng kanilang mga komunidad.
Bukod dito, tinalakay din ang qualifications ng members ng Lupon Tagapamayapa, Pangkat Tagapagkasundo, mga kaso sa loob ng awtoridad ng barangay at sa hurisdiksyon nito at period of mediation ; R.A 9262 o Violence Againts Womens and Their Children (VAWC) , at R.A 9344/ 10630 Juvenile Justice Welfare Act CICL ( Child in conflict of the law ).
Tumanggap ng Certificates of Attendance sila ret. PCol George Calvelo, Abelardo Barles, Lucina Tiamson, Amy Arlene Monteza-Guico, Nikka Joy Lanoza, Gemma Serdon, Pacita Novela, Gloria Ofalsa, Edmundante Capilitan, Rosita Ciabo at Mark Joseph’Balong’ Ramos. (JOJO SADIWA)