Advertisers

Advertisers

SA LIKOD NG PAGPAPASIPA KAY PBBM

0 2,920

Advertisers

Malalim ang usapin sa likod ng pagpapasipa kay Jun Singhot na sa una’y tila walang laman at sa paglipas ng mga araw, nagbigay pahayag ang isang kinatawan banggit na malaman ang reklamo at diringgin. Sa banggit na tindig, nagbago ng tayo ang Tserman ng Komite, at sumangayon na dinggin subalit may tumindig na kinatawan at naghain na pagbotohan ng mga kinatawan na kasapi ng komiteng didinig. Ang kagalingan, napansin ng malawak na kapulungan ang pagbibigay halaga sa galaw mula sa baba ng Lipunan na pinagmulan ng paghahain ng pagpapasipa kay Jun Singhot. Ang higit na kina-iibigan, magkusang kumilos si Kong. Sandro Marcos sa usaping nasa harap na ‘di nakikilahok ng maalis na may kikilingan o kakampihan. At dahilan na magbaba ng sumbalilo ang Batingaw sa ikinilos ng anak kontra sa ama bilang mambabatas.

Hindi maalis sa isip na ang paghahain ng pagpapasipa kay Jun Singhot na may tahakin sa susunod na ihahain na pagpapasipa kay Inday Salakay. Magkaiba ang dahilan ngunit iisa ang aksyon, ang maalis sa pwestong tangan ang may sala, maging pangulo o ibang opisyal sa ibang sangay ng pamahalaan. Batid ni Mang Juan na sa kasalukuyan, maraming mahistrado ang naitalaga ni Totoy Oblo ng The IwaHague ng ito’y lider ng bansa. At dahilan na pumabor sa abalang pangulo ng ito’y unang hainan ng pagpapasipa sa usapin ng pandarambong.

Maselan ang usaping bayan higit ang punong lider ang pinasasagot na nakitaan ng dahilan upang dinggin. Subalit, naniniwala na ‘di susulong ang usapin ng pagpapasipa kay Jun Singhot at tila zarzuela ang magaganap sa dami ng mga kaalyado na sasalag sa usaping nasa harap. Sa totoo lang, mainam na halungkatin ang usapin ng pagsiksik sa pondo ng bayan para sa taong ‘2026. Marami at malalaki ng halagang isiniksik sa GAA gayong ‘di batid ang paggagamitan. O’ sadyang panlilo ang usaping inihain kay Jun Singhot ng malayo sa isyu na dapat pagtuunan. At umasa na sa susunod na mga araw, magaganap ang paghahain ng ikalawang reklamo ng pagpapasipa kay Inday Salakay.

Sa galawang namalas, malalim ang dahilan at itinali ang usapin sa inilabas na kautusan ng Korte Suprema sa usapin ng pagpapasipa kay Inday Salakay. Malinaw na hindi usapin ng panahon ang pagpapasipa sa isang opisyal sa halip laman ng inihain na pagpapasipa ang basehan sa ikikilos ng malawak na kapulungan. Sa pag-ayon ng mga kinatawan na dinggin ang usaping laban kay Jun Singhot, umasa na ‘di magtatagal na ibabasura at maihahain ang pagpapasipa kay Inday Salakay. At ang silip na tamang galawan upang mabatid kung may sala o kilos politika kontra kay Inday Salakay, higit sa galawang pang halalan sa ‘28. Samantala, umaasa na haharapin ni Inday Salakay ang ihahaing pagpapasipa ng malinis ang ngalan.

Walang ibang inaasahan sa paghahain ng pagpapasipa kay Jun Singhot at ito’y panakip sa higit na malalim na ikikilos sa darating na araw. Umaasa na bibigyan pansin ang galaw na naganap, higit ang paglabas ng salang kautusan mula sa kataas taasang hukuman na pumigil sa reklamong inihain kay Inday Salakay. Umaasa na maipapasa ang panukalang batas na magpapabilis sa pagpapasipa sa mga halal ng bayan o maging ng mga mahistrado ng kataas taasang hukuman. Umay na ang bayan sa galaw ng mga kaalyado ni Totoy Osla at inaasahan na kikilos ng ‘di makasagabal sa usapin na haharapin ni Inday Salakay at tuluyang masipa sa pwesto at ‘di makatakbo sa halalan sa ’28.

Ang paghahanda na ginawa ni Mang Boying ng Ombudsman, malinaw na ‘di ibig na makita si Inday Salakay sa halalan sa ’28. Hindi makakaila na sinisilo ang abalang pangulo ng ‘di makawala at makapagwala sa susunod na panahon. Malaki ang takot ng mga nagbalimbing na opisyal sa abalang pangulo higit sa mga kilos na tila may ginagawang kakaiba kung marating ang rurok ng pagiging lider ng bansa.

Malinis ang galawan sa paglalayo sa tunay na usapin at ganap na makuha ang atensyon ng bayan. Walang duda na may matinik ang nakaisip ng pagsasampa ng kaso laban kay Jun Singhot na tuwirang naging usaping bayan. Ang palitan ng pakiwari hinggil sa nilalaman ng reklamo laban sa pagpapasipa at ang pagsang ayon ng tserman ng komite na didinig ang galing na ‘di maisasantabi higit sa pagkagat ng bayan sa usapin. Hindi namalayan ni Mang Juan na tuluyang nawala ang usapin ng pagsasaliksik ng pondo sa GAA at naitali ang atensyon ng bayan at mga kinatawang bayan sa usapin na pagpapasipa kay Jun Singhot.

Masasabing mahusay ang nasa likod ng galawang banggit sa itaas na ganap na nailayo ang usapin na tuwirang may epekto sa tao sa laylayan. Naubos ang pag-uusap sa “flood control” at tuwirang nabansot na nagbigay puwang sa mga nasasangkot na mag-isip at makiisa sa sayaw na ibig ng administrasyon. Ang paglalayo sa usaping binuksan ni Jun Singhot na ‘di nagbunga ang isyu na sana’y pinuspos ng ganap ng magsilang ng pag-asa sa bayan. Umaasa na sa darating na araw, ang pagbubukas ng pagpapasipa kay Inday Salakay ang susunod na tele-serye na aabot sa katapusan.

Bilang panghuli, ganap na nakuha ng mga tao sa likod ng pagpapasipa kay Jun Singhot ang atensyon ng bayan at nailayo ang usaping malapit sa kumakalam na sikmura ng bayan. Subalit, umaasa na sa susunod na teleserye sa usapin ni Inday Salakay, maganap at matapos ng lumabas ang katotohanan.

Maraming Salamat po!!!!