Advertisers
Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) laban sa patuloy na pagdami ng AI-powered love scams na mas sopistikado na ngayon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni CICC Executive Director Usec. Aboy Paraiso na ginagamit na ng mga scammer ang artificial intelligence hindi lamang sa panlilinlang kundi pati sa pag-profile ng kanilang mga biktima.
Sinabi ni Paraiso na nagiging “targeted” na ang panlilinlang dahil alam na ng scammer ang personal na interes at kahinaan ng kanilang kausap.
Dagdag ni Paraiso, hindi na sapat ang video call bilang patunay ng pagkakakilanlan dahil kaya na ring gawin ng AI ang real-time deepfakes.
Dahil dito, mas nagiging kapani-paniwala ang mga scammer at mas mahirap nang matukoy kung peke ang kausap.
Kaya hinimok ng CICC ang publiko na maging mas mapagmatyag at huwag basta magtiwala sa online relationships. (Gilbert Perdez)