Advertisers

Advertisers

COMM. WALTER TORRES NG PSC, SPORTSMAN PAR EXCELLENCE!

0 26

Advertisers

TUNAY na kalahati ng kanyang buhay ay ang larangan ng sports na nakaukit ng kasaysayan sa larangan mula sa pagiging atleta hanggang sa sports management/leader na may gradong par excellence.

Si sportsman/ public servant Walter Francis K.Torres na isang taal na atleta ng unibersidad ng estado ay unang nagmarka ng kanyang pangalan sa larangan ng palakasan noong dekada ’90 kung saan ay naging varsity player siya ng UP Manila mula table tennis, athletics tungo pagiging Olympian fencer.

Si ‘Wawit sa kanyang mga kaibigan ay tinanghal na ‘ Most Outstanding Athlete ng University of the Philippines Manila noong 1995 bago ang taginting niyang karera sa larangan ng sports mula sa pagiging Olympian fencer noong 1992 Barcelona Olympics, 3- peat SEAGames gold medalist ( fencing) noong 1991, 1993 at 1995 editions ng naturang biennial sports meet ng Southeast Asia.

Si Comm.Torres nang nasa torre ng kanyang sports carreer ay nakatapos ng akademya bilang Doctor of Dental Medicine, UP Manila noong 1995 bago ang kanyang Diploma in Exercise and Sports Science, UP Diliman(2004).Tumawid siya sa Katipunan bilang head coach at program head ng Ateneo ( UAAP)Fencing Team at Director and Faculty , Physical Education Dept., Loyòla Schools, ADMU noong 2022.

Naging Secretary – General ng Philspada at Chef de Mission ng 11th Asean Para Games Cambodia at Indonesia ayon sa pagkakasunod. Siya rin ang Vice President for Sports, Asean Para Sports Federation bago ang tampok niyang posisyon sa pamahalaan ngayon.

Dahil sa kanyang kahanga- hangang resume, di nagdalawang-isip si Pangulong Bongbong Marcos na nombrahan si Torres bilang commissioner ng government sports agency na Philippine Sports Commission( PSC), isang collegial body na may timon para sa kapakanan ng mga atleta ng bansa mula sa pangangailangan sa ensayo, preparasyon hanggang aktwal na kumpetisyon bitbit ang bandila ng bansa.

Dahil isang tunay na atleta, batid nya ang pulso ng mga bagong bayani ng bansa, kaya matindi ang kanyang malasakit at kalinga partikular sa 24 NSA’s na nasa kanyang kumpas.

” I love sports.’ll do whatever I can for the development of this field , for the sake of our athletes and very supportive ako sa ating chairman( Patrick ‘Pato Gregorio) in accordance to his plans specially for Philippines’in becoming a sports tourism hub and continuse hosting of big international sporting events we can.A huge challenge to achieve”, sambit ni Comm. Wawit lakip ng kanyang pasasalamat sa taong nag-inspire sa kanya para sa prestihiyosong posisyon, ang kanyang better half na si dating premyadong sports shooter ng bansa na si Joanna Ruiz na siyang executive assistant ng kanyang tanggapan ngayon.

Nang tinanong si Commissioner kung halimbawang ipapanganak siya uli sa ibang panahon ay anong buhay ang pipiliin niya..aniya ay SPORTS PA RIN!

Lowcut- Special shoutout kay Cong.Eric Buhain ng PAI na sumuporta sa ating advocacy program na Go Young Artists/ Athletes Go-DaniGilas Simon Free Arts Session and Sports Clinic in the Countryside.MABUHAY CONG BUHAIN!