Advertisers
INIHAYAG ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, Pebrero 5, ang mga ebidensya sa umano’y kickbacks na iginigiit niyang natanggap ng ilang mambabatas at opisyal ng gobyerno.
Nangako si Leviste, anak ni Senador Loren Legarda-Leviste, na ilalabas niya ang listahang ito sa “tamang panahon”.
“Gayunman, hindi tayo matitinag sa mga paratang na walang basehan, at lalabas din ang katotohanan sa tamang panahon. At kapag dumating ang panahong iyon, sana mauunawaan ninyo kung bakit ako pinayuhan na hindi pa ngayon ang tamang oras upang ilabas ito,” anang batang mambabatas.
Nagsapubliko ng tinawag niyang Cabral Files noong Disyembre, kinumpirma rin ni Leviste sa parehong post na lalabas siya ng bansa sa mga susunod na linggo.