Advertisers
NASAWI ang tatlong menor de edad nang bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang truck sa Damulog, Bukidnon, Hunyo 30.
Kinilala ang mga biktima na isang 16-anyos na rider, at ang dalawa nitong angkas na 13 at 10 taon gulang.
Papunta ang mga biktima sa Poblacion upang umigib ng tubig nang mangyari ang aksidente, patungo naman sa Barangay Anggaan ang truck.
Ayon kay Damulog Municipal Police Station chief Capt. Marlon Subrian, bumangga ang motorsiklo sa likurang gulong ng truck kaya nagulungan ang tatlong sakay.
Isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck, ngunit kalaunan ay pinalaya matapos magkaayos ang magkabilang panig.
Ayon sa driver, tila nabigla ang mga biktima nang makita ang paparating na truck, na-ging sanhi ng banggaan.