Advertisers

Advertisers

8 TSINO INARESTO NG NBI DAHIL SA SERIOUS ILLEGAL DETENTION AT POGO HUB

0 11

Advertisers

Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Lunes ang pag-aresto sa walong Chinese nationals kaugnay ng serious illegal detention at operasyon ng isang pinaghihinalaang POGO hub sa Ayala, Alabang.

Sa isang press briefing, sinabi ni NCR Director Joel Tovera na nakapagpadala ang biktima ng distress call at mensahe sa nagrereklamo na naging dahilan upang ikasa ang operasyon laban sa mga dayuhan.

Ayon sa reklamo ng isang Chinese national, ang kanyang kaibigan ay binihag nang halos dalawang linggo sa nabanggt na lugar.

Ang rescue operation ay humantong sa pagpapalaya ng biktima at sa pag-aresto sa dalawang indibidwal na direktang kinilala ng biktima bilang mga salarin, na nanakit,nanutok ng baril at nagpakuryente sa kanya.

Ang dalawa ay iniharap na para sa inquest, at isang reklamo ng serious illegal detention ang isinampa laban sa kanila.

Samantala, sinabi ni Tovera na anim na iba pang mga Chinese national ang inaresto rin dahil sa pagpapatakbo ng tila isang “hub” o “opisinang mala-POGO” nang walang wastong dokumentasyon.

Idinagdag pa ni Tovera na natukoy ng kanilang digital forensic team ang malinaw na paglabag sa batas ng Pilipinas. Lahat ng mga bagay na ginamit ng grupo o sindikatong ito ay kinumpiska at iniharap sa korte. (JOJO SADIWA)