‘Pag lumabas ang ICC arrest warrant…PINAS APRUB SA PAG-ARESTO NG INTERPOL KINA BONG GO, BATO AT IBA PA!
Advertisers
OBLIGADO ang gobyerno ng Pilipinas na mag-implementa ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Palace press officer Undersecretary Claire Castro, na sakaling maglabas ang ICC ng arrest warrant kina Senator Ronald Dela Rosa, Sen. Bong Go at ilang mga kasama sa kasong crime against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay makikipagtulungan sila sa Interpol.
Dagdag pa ni Castro, gaya noong naging proseso sa pag-aresto sa dating pangulo na dinala sa The Hague, Netherlands.
Paglilinaw din ni Castro na hindi pa tinatalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang usapin ng pagbabalik ng Pilipinas para maging miyembro ng ICC.