Advertisers
Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang puganteng dayuhan sa magkahiwalay na operasyon sa Davao City sa iba’t-ibang mga kaso.
Ayon sa BI, nadakip sa Bajada ang 41-anyos na Amerikanong si David Michael Blunk na may warrant of arrest sa Estados Unidos dahil sa kasong felony grand theft at paglabag sa probation.
Nasa blacklist at watchlist na rin umano ito ng ahensya.
Sa hiwalay na operasyon, naaresto naman sa Barangay Magtuod ang 48-anyos na Koreanong si Ahn Min Hyuk na may Interpol Red Notice kaugnay ng kasong special robbery sa South Korea.
Itinuturing din siyang overstaying at undocumented alien.
Kasalukuyang nakadetine ang dalawa sa BI Warden Facility habang inihahanda ang kanilang deportation.(Jocelyn Domenden)