Advertisers

Advertisers

Tony ayaw husgahan ang sangkot sa sex videos

0 27

Advertisers

Ni Archie Liao

Naging malaking isyu noon ang pagkakasangkot ng apat na aktor sa sex videos.

Katunayan, kinabog nito ang pag-aanunsyo ng Big 4 sa katatapos na reality competition.

Nag-react naman si Tony Labrusca hinggil sa pumutok na private videos ng local male celebrities na kasama niya sa industriya.

Aniya, nalulungkot daw siya sa paglaganap ng nasabing videos.

Feeling pa niya ay may na-violate raw na karapatan ng kanyang kapuwa manggagawa.

“Actually, I feel bad for them,” aniya. “Because that’s an invasion of privacy, you know. So, what people do behind closed doors, I think, should remain private. “And second, I don’t think people should scandalize it, honestly. I think it’s very disrespectful these days po,” dugtong niya.

Nagbigay din siya ng opinyon hinggil sa paniniwala niya sa mga nagkalat ng nasabing videos.

“And I’m just happy that the culture in the Philippines right now… I think a lot of people realize that it’s wrong to do, you know. So whoever those people are that’s releasing those videos, I think sila yung dapat kabahan. Kasi, karma is real. So, good luck na lang po sa kanila,”makahulugan niyang pahayag.

But for those guys, ano, ano lang… we’re in an industry now that’s a lot more flexible when it comes to that,” pahabol niya.

Hirit pa niya, ayaw daw niyang husgahan kung may pagkukulang man o hindi ang mga personalidad na involved sa naturang videos.

“Mahirap na talaga magtiwala. But then again, what I mean is, what people do behind closed doors is their private life,”sey niya. “We’re not supposed to even be involved. That’s why I think that what happened to them is distasteful talaga, and disrespectful.It’s an invasion of privacy. That’s where I stand,”dagdag na paliwanag niya.

Hindi rin niya masabi kung ano ang dapat gawin kung mahaharap sa ganoong klaseng situwasyon lalo pa’t hindi pa naman nangyari sa kanya.

“Well, their privacy wasn’t supposed to be invaded in the first place . So, you know, ang dapat gawin is kasuhan yung babae na iyon actually. Iyan ang dapat gawin,” bulalas niya.“I just don’t even wanna go there,” hirit pa niya.

Sa mga umamin o nag-deny, para sa kanya ay prerogative ito ng sinuman.

“I think that’s their own prerogative. I don’t think anybody should force them to do anything,” saad ni Tony. Their life has already been, you know… it’s already their privacy that’s been invaded. So, I don’t think they owe it to anybody to do or say anything,” pagtatapos niya.

Masaya naman si Tony dahil pagkatapos ng kanyang partisipasyon sa Sinag Maynila noong nakaraang taon sa “What You Did” kung saan na-nominate siya bilang best actor ay muli na naman siyang magpapakitang-gilas sa ikawalong edisyon ng festival this year.

Si Tony ay kasama sa cast ng mystery suspense at crime drama na “All About Her” na kalahok sa full-length film category ng Sinag Maynila 2026.

Iprinudyus ni Len Carillo ng 3:16 Media Network, ang pelikula ay idinirehe ni Joel Lamangan.

Co-stars niya rito sina Yuki Sonoda, Kelley Day, Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, Pancho Magno, at Jim Pebanco.

Ang gala premiere ng “All About Her” ay gaganapin sa Marso 23, Lunes ng 5:00 ng hapon sa Cinema 17 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

Ang Sinag Maynila ay itinatag ng film producer na si Wilson Tieng ng Solar Studios, Inc.kasama ang Cannes best director at award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza bilang festival director.

Magkakaroon ito ng theatrical run mula Marso 23 hanggang 29, 2026 sa Gateway Cinemas (Cubao, QC), Eastwood Cinemas (Libis, QC), Uptown Cinemas (BGC, Taguig City), Venice Cineplex (McKinley Hill, Taguig City) at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo, Manila).