Advertisers

Advertisers

Grupo ng kabataan nagduelo: 1 patay

0 19

Advertisers

TUMAGAL lamang ng 2 oras ang hot pursuit operation ng Malolos Police laban sa 3 katao kabilang ang 2 menor de edad na sangkot sa kaso ng pananaksak sa isang estudyante sa Barangay Caingin, Malolos City.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director, Colonel Angel Garcillano, kinilala salatin na si alyas “Bie” 23 anyos; at dalawang menor de edad 16 at 17 na nasa kostudiya ng CSWD.
Kinilala ang biktima na si Vincent Carl Soliman Y Tan ,18, estudyante, at residente ng Brgy. Canalate, Malolos City.
Nangyari ang insidente sa gilid ng Caingin Elementary school, 10:00 ng gabi ng Marso 22, 2026.
Una nang nagkasuntukan ang grupo ng kabataan, na nauwi sa pananaksak ng isa sa mga salarin gamit ang kutsilyo.
Nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng duelo ang isang Llave Asero na nakabalot sa isang panyo.
Kasong Homicide ang isasampa laban kay Bie na nakakulong sa Malolos City Jail.(Thony D. Arcenal)