Advertisers

Advertisers

‘Di Gaya Ng Kadugo Na Itinakwil Ang Kanilang Ina! Social Media Personality Dovie San Andres, Naniniwala Sa Verse Sa Bible Na, “Honor Thy Mother”; Charo CordIal, Ng D Maddox Jewelry Pinagkakaguluhan Na

0 4

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Masama ang loob, at galit si Dovie San Andres, sa isa sa miyembro ng kanilang pamilya. Imagine, magkadugo sila pero hindi nito kinikikilala ang kanilang Ina. Bagkus may isang babae na ipinagbabayang na ito raw ang totoo niyang Nanay. May ganito pa lang klaseng anak na grabe kung lapastanganin ang Inang nagluwal sa kanya.

Sobrang naapektuhan ang mother nina Dovie na si Mommy Beth, sa ginawang pagtatakwil sa kaniya at labis niya itong dinadamdam hanggang sa ma-depress, magkasakit, at bawian ng buhay. Ayon, pa kay Dovie, ay walang pakialam ang kadugo, niyang ito sa pagkakasakit ng kanilang Mama Beth.

Awang-awa si Dovie, dahil pakiramdam niya ay siya lang at ang kanyang Papa Loreto ang tunay na nagmamahal sa Ina. Kaya kinamumuhian talaga nito ang nasabing miyembro ng kanilang pamilya. Kinalimutan na rin niyang kadugo niya ito lalo’t biktima rin siya nito na minanipula ang pagkatao niya, inapi, ginawang katulong, hinarass at siniraan sa mga tao at kaibigang character actor na pinalabas na may mental health issue siya. At lahat ng paninira kay Dovie, ay pawang kasinungalingan at baseless! Mas pinahahalagaan raw ng babaeng ito ang ibang tao at ang boylet niya kaysa sa sarili nitong pamilya.

Basta for Dovie, ay naniniwala siya sa salita o verse sa bible na “Honor thy father and mother na nasa Exodus verse 20:12.

At sabi rito, “Children obey your parents in the Lord: for this right. Honour thy father and mother; which is the first commandment with promise; That it may be well with thee, and thou mayest live long on earth”.

***

Sikat na sikat na ang owner ng MADDOX JEWELRY na si Ms. Charo Cordial sa linya niyang, “Another Day Another Diamond.” Infairness Pretty, witty, and artistahin itong si Ma’am Charo, at dinudumog talaga ng mga tao, ang kanyang Maddox Jewelry shop.

At dahil class at kilala sila sa pagbebenta ng natural diamonds ay maging ang mga sikat nating celebrities ay suki na rin ni Ma’am Charo. Name it, she have it. At maraming celebrities na ang nainterview ni Ma’am Charo na buyers rin ng kaniyang gold and diamonds. In all fairness to this lady, ay updated siya sa mga issue ng mga artista. Ibig sabihin ay nagre-research si Ma’am Charo, bago sumalang sa interbiyuhan with her guest celebrity. Nakabibibilib rin her story na from rags to riches.