Advertisers

Advertisers

MAAYOS NA IMPLEMENTASYON NG PRICE ROLLBACK, HIRIT NI PBBM SA OIL COMPANIES

0 3

Advertisers

KINUMPIRMA ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng mas malaking bawas sa presyo ng langis ngayong linggo na inaasahang magbibigay-ginhawa sa publiko.

Ayon sa Pangulo, bababa ang presyo ng diesel ng humigit-kumulang P24.94 kada litro, habang ang gasolina ay babawasan ng P3.41 at ang kerosene ng P2.

Mas mataas aniya ito kumpara sa rollback noong nakaraang linggo.

Nanawagan naman ang Pangulo sa mga oil company na tiyaking maayos, buo, at walang pagkaantala ang pagpapatupad ng rollback upang maramdaman ng mamamayan ang benepisyo nito.

Samantala, tiniyak ni PBBM na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng P10 fuel discount para sa mga pampasaherong sasakyan, gayundin ang service contracting program para sa mga driver.

Inatasan din aniya ang Department of Transportation at Land Transportation Office na magpatupad ng tatlong buwang extension sa validity ng mga driver’s license, student permit, at rehistro ng sasakyan nang walang multa o surcharge.

Samantala, binigyang-diin ng Pangulo na patuloy ang gobyerno sa paghahatid ng ginhawa sa mamamayan at hinikayat ang publiko na i-report ang anumang paglabag sa Department of Energy para agaran aniyang maaksyunan. (Gilbert Perdez)