Advertisers

Advertisers

SOLUSYON SA KRISIS AT PANANAGUTAN SA FLOOD CONTROL MESS, PAGSABAYIN NA — SEN. ERWIN TULFO

0 6

Advertisers

Habang prayoridad ang pangmatagalang solusyon sa krisis dulot ng giyera sa Middle East, hindi dapat isantabi ang pagpapanagot sa mga nasa likod ng “flood control mess” sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Senate Blue Ribbon Vice Chairman Erwin Tulfo, na nagsabing habang prayoridad ng bansa ang mga crisis-driven solutions para sa bawat pamilyang Pilipino, tungkulin din nating maningil ng pananagutan.

“Dapat nating unahin ang epekto ng nagpapatuloy na giyera, lalo na ang pagpigil sa nagtataasang presyo ng mga bilihin. Paano na lang kung tamaan pa tayo ng mga kalamidad? Kailangan nating ayusin ang isang long-term plan,” pahayag ni Tulfo sa isang panayam.

Aniya, dahil sa patuloy na tensyon sa pagitan ng US-Israel at Iran ay dapat nang maglatag ng kongkretong plano para sa nakaambang krisis sa enerhiya.

Aktibong isinusulong si Tulfo ang mga panukala sa Senado kaugnay ng krisis sa Middle East, kabilang na ang bagong batas na Automatic Suspension of Excise Taxes on Petroleum Products, ang Bagong Balikbayan Bill, at ang Philippine Strategic Petroleum Reserve Bill.

Bukod sa mga batas, isinusulong din ni Tulfo na maisama ang middle class sa mga ayuda ng gobyerno dahil aniya, “kailangang masiguro na hindi lang ang mga vulnerable sectors ang protektado, kundi pati ang middle class—iyong mga isang hospital bill lang ang pagitan sa kahirapan.”

Kasunod ng pagkakahuli sa Czech Republic kay dating Congressman Elizaldy Co, na isa sa mga pangunahing personalidad sa imbestigasyon ng flood control mess, inihayag ni Tulfo na sa inaasahang pagbabalik nito sa bansa ay umaasa siya na makukuha ng Blue Ribbon panel ang kanyang testimonya upang matapos na ang imbestigasyon sa Senado at masampahan ng kaukulang kaso ang mga dapat managot.

“Dapat nang tapusin ang Senate investigation na ito once and for all, para matutukan na natin ang iba pang mabibigat na problemang kinakaharap ng bansa,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN)