Advertisers
NAGLABAS ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng month-ahead inflation forecast para sa Abril 2026, kung saan inaasahang papalo ang inflation sa pagitan ng 5.6% hanggang 6.4%.Philippine History Books
Ayon sa BSP, lumakas ang mga panganib ng pagtaas ng presyo dahil sa patuloy na pagmahal ng domestic petroleum products, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain gaya ng bigas, isda, at karne, mas mataas na singil sa kuryente, at ang pagkahina ng piso laban sa dolyar.
Bagama’t inaasahang makakatulong ang pagbaba ng presyo ng gulay at prutas upang bahagyang maibsan ang inflation, nananatiling malakas ang mga “upside risks” na dapat bantayan.