Niloko Na Sa Pang-produce Na Pelikula, Pinagbantaan Pa! Dovie San Andres, Grabe Ang Trauma Sa Pang-Scammed Ng Malaking Halaga Sa Kanya Ni Paolo Buera
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Kahit matagal ng nangyari, ay parati pa ring bumabalik sa isipan at alaala ng Social Media Personality na si Dovie San Andres ang mga ginawang panloloko o scammed sa kaniya ni Paolo Buera. Well, nagdulot kasi ito ng matinding trauma kay Dovie na hindi niya matanggap na nawala na lang ng parang bula ang perang mga pinaghirapan nila ni Alec na father ng kanyang mga anak. Sino ba naman kasi ang hindi makukumbinsi at magtitiwala lalo’t ang pakilala, noong una ni Buera ay empleyado siya ng ABS-CBN at director ng teleserye ng istasyon. Siyempre, sa kagaya ni Dovie na gustong mapenetrate ang showbiz at gawing mga artista ang mga anak na sina Elrey Binoe Alecxander at Duke na parehong mga bata pa that time. Ay agad nakumbinsi si Dovie ni Paolo na i-produce ang “FILCAN BOYS” na pagbibidahan nga nila ng mga anak niya. Through messenger ay dito na nag-umpisa ang conversation sa pagitan ni Dovie na noong mga taong ito ay nasa Canada at ni Paolo. At dito na rin nagsimula ang sunod-sunod na mensahe ni Paolo kay Dovie para sa hinihinging budget ng Filcan Boys at production staff raw ng movie. At isa maraming palitan ng mensahe ni Dovie kay Buera. “Hi! Direk, you get it??? it’s 6:09pm here now there in the Philippines”.
Na ang ibig sabihin ay kung natanggap na ba ng director ang perang ipinadala niya. Basta lahat ng mga sinabing amount ni Buera , ay naipadala lahat sa kanya ni Dovie. Na excited, noon sa ipo-produce nga sana niyang film. Umabot sa kalahating milyong piso ang total amount na naibigay niya sa direktor na matamis lang pala ang dila. Ang da height, ng kalokohan ng Paolo Buera na ito ay nasa Canada pa lang si Dovie, ay may maitim na siyang balak sa nasabing Socmed Personality. At tama, ganyan na nga ang nangyari kina Dovie at mga anak nito at ni Alec nang makarating sila ng Pilipinas para i-meet si Buera. At pagdating nila ng condo na malapit lang sa GMA Network. Tinanong at sinita pa raw ni Paolo si Dovie, kung bakit isinama pa nito sa biyahe nila si Alec, at dialogue raw nito, kay Dovie ay masisira ang plano. So may binabalak talagang masama kay Dovie at sa kanyang mga anak ang taong ito na bihasa na siguro sa pagiging iskamero!
So, ayun na nga sa isang studio type condo pinatira ni Paolo sila Dovie. Wala itong kama at aircon. Na saliwa at kabaligtaran sa mga ipinangako niya kay Dovie noong magkausap pa lang sila nito sa Canada at hingan niya ng para sa downpayment sa condo na aircondition raw at may bed. Pero lahat ng pangako ng bading na ito na never heard ang pelikula, ay drawing lang pala. Imagine sa loob ng isang buwan na tumira sila Dovie rito ay nagtiis sila ng mga anak niya na electric fan lang ang gamit at sa lapag sila na sinasapinan lang ng banig ang kanilang tulugan. Awang-awa si Dovie kina Elrey Binoe at Duke na ginawang unan ang kanyang tiyan. At si Alec ay ang kanyang Backpack ang ginawang pillow. Samantalang sa Canada may tig-isang room sila na lahat ay naka-aircon. At sobrang kafal niya(Buera) dahil yung kwartong ipinagawa sa parehong condo, na kanyang tutulugan na may aircon ay hiningi rin lahat ito kay Dovie. Sarap ng buhay niya, buhay reyna. Samantalang yung mga taong iniscammed niya ay nagtitiis sa init at hirap makatulog sa kagagawan niya. Tapos niloko niya pa si Dovie na pinalabas niyang P20K ang bayad sa upa condo yun pala ay P8,000 monthly lang. Di pa kuntento sa malaking halagang nakuha at pati pagkain niya at pamasahe sa lahat ng mga lakad niya, ipinasasagot lahat nito kay Dovie.
Nilimas rin nito ang mga alahas ni Dovie at ang brand new Canon movie camera na nagkakahalaga ng 700 Canadian dollars. Pati gamit na Cellphone ni Dovie ay kinuha niya. Feeling ni Dovie, ay nawala siya sa kanyang sarili, at nagawa lahat ni Buera ang pang-i-scammed sa kanya nito ng ganoon-ganoon lang. Dahil, kitang-kita na ni Dovie at malinaw na sa kanya ang lahat na biktima na sila nang mga panloloko at modus ni Buera. Dahil one month na sila sa Pinas, pero wala pa rin silang pelikulang sino-shoot. So, kinompronta na raw nito si Paolo at sinita sa mga pera niya at lahat na mga gamit na nakuha sa kaniya. At dahil buko, na sa kanyang modus. Itinulak raw siya nito at akmang susuntukin pa. Sagot niya kay Paolo. “Go , okey attack me now”. Nahimasmasan raw ito at pwede kasi niyang kasuhan kung tuluyan siyang sinaktan nito. Ang isa pang ikinagagalit ni Dovie ay yung ginawan siya ng ka-cheapang issue ni Buera kay Alec, na gjnapang raw niya ito. Hello, o malaking hello. Parehas kayong girl ni Dovie, napaka-ubod ng sinungaling mo naman Paolo Buera. At ayun na nga, ipina-barangay na ni Dovie itong si Buera at nagharap nga sila nito sa tanggapan ng Barangay.
Sinabihan si Buera, ng Barangay Captain na magpaliwanang, sa lahat ng mga reklamo sa kanya ni Dovie. Sagot lang raw nito ay tuloy pa rin ang shooting ng FilCan Boys, na hindi naman nangyari at hindi na kailanman mangyayari pa dahil malasado nga itong director na ‘to, na lahat ng perang pam-produce sana ni Dovie ay kanyang ginastos lahat. Ang ikinasasama pa nang loob ni Dovie ay imbes na mag-apologize, sa kanya si Buera ay mayabang pa raw ito at pinagbantaan siya at ng mother nito, na yung kasama ng baklang director sa condo na si Zeny ay may kaibigang hired killer. Kapag hindi raw siya(Dovie) tumigil sa kaka-exposed kay Buera, sa modus nito ay binantaan siya ng mga ito. Kahit natatakot sa kanyang narinig ay nagsawalang kibo na lang raw si Dovie, dahil ang concern nito ay kaligtasan ng mga anak at ni Alec. At dahil ramdam ni Dovie ni Dovie, na mas lalala pa ang sitwasyon kapag nagtagal pa sa poder ni Buera. Nakigamit na raw siya ng cellphone sa Barangay. Nagpa-rescue siya, sa kanyang sister na si Amy na nasa Bulacan, kaso binabaha yung lugar nila. So tinawagan na lang daw ni Amy ang isa pa nilang kapatid sa Bicol na si Susie. So nang makarating si Susie, sa condo na malapit nga sa GMA Network. Sabay-sabay na silang lahat ni Dovie na umuwi sa lugar nila sa Bicol. Pero bago bumalik ng Canada si Dovie, ay kanya nang naipa-blotter si Buera. At ang gumastos pala ng plane tickets ni Dovie at mga anak ay ang Mama Beth, nito na buhay pa noon. Si Alec, kasi ay two way raw ang ticket, kaya wala itong problema. Grabe, isang bangungot itong nangyari kay Dovie na nagdulot sa kanya ng matinding stressed at trauma! At dahil sa dinanas na trauma sa malaking pera na nawala na matagal nilang pinag-ipunan ni Alec at sa hindi mga magandang pagtrato sa kanila ni Buera. Matagal na panahon na sumailalim si Dovie sa Counselling. At siyempre sina Duke at Elrey Binoe ay nagdulot ng phobia sa mga ito ang sinapit nilang ito sa Pinas. Kita mo, na ang ginawa mong perhuwisyo Paolo Buera, kay Dovie, at sa mag-aama nito. By the way, just recently lang mga 2 days ago ay magkausap kami ni Dovie via video call. Hindi raw talaga niya titigilan si Buera hangga’t hindi niya, nakukuha o nakakamit ang hustisya sa pang-scammed at panggagamit sa kanya ng taong ito, na walang kunsensya ang pagkatao.
Malakas ang loob ni Dovie, na i-exposed at labanan si Paolo Buera, dahil hawak niya ang mga resibo ng lahat ng transaksiyon sa bawat ipinapadala niyang pera kay Buera, sa suki niyang Money Remittance sa Canada. Maging ang mga “Chat”, nila ni Buera since day one lalo-lalo na ang paghingi nito ng pera para sa mga magiging expenses ng FilCan movie, na modus lang pala niya kay Dovie. Lahat yan, ay mga naka-screenshot. Gayundin ang Papel de Agencia ng mga alahas ni Dovie kabilang na rito ang kanyang 24 karat na Bangles na mga isinangla ni Buera. Ay hawak rin lahat ni Dovie. So saang korte man daw sila magkita ng said director ay walang lusot at siguradong bulilyaso rito si Buera. Kahit sa “Isumbong Mo Kay Tulfo” ni Sen. Raffy Tulfo, ay tiyak na wala rin siyang kawala!. At ayaw ni Sen. Raffy sa mga manloloko at mga mapagsamantala. Naku, nasa paligid mo na ang karma Paolo Buera at kumakaway na ito sa iyo. And I’m sure, alam mo ang mga kaso, na pwedeng isampa sa iyo ni Dovie.