Advertisers
Ikinabahala ng mga nitizen ang sunod-sunod na patayan kabilang ang 2 biktima ng pamamaril ng di pa kilalang “killer” kahapon ng gabi sa Montalban Rizal.
Batay sa ulat ni P/Lt. Gerry Escodero, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa concern citizen kaugnay sa pamamaril dakong 9:20 ng gabi sa Jovil-3, Brgy., San Isidro sa lugar.
Dito natagpuan ng mga tauhan ng Rodriguez PNP ang 2 di kilalang biktima na may mga tama ng bala ng baril, duguan at wala nang buhay kapwa nakahandusay sa kalsada.
Matatandaan na ilang patayan na din ang naiulat ng Rodriguez PNP nitong mga nagdaang buwan at linggo na hanggang ngayon ay di kilala ang mga “killer”.
Dahil dito, nangangamba ang mga nitizen, NGO’s at ilang religious sector sa kawalan ng tiyak na kaligtasan ng mga residente kong patuloy na blangko ang lokal na pulisya para lutasin ang tumataas na krimen sa lugar. (Edwin Moreno)