Advertisers
Tatlong indibidwal ang naaresto sa milyong halaga at sangkatirbang illegal Liquified Petroleum Gas (LPG) o PAIHI sa Brgy., San Isidro, Rodriguez Rizal kahapon.
Batay sa ulat sa Kampo Krame ni PRO4A-director P/BGen. Hansel Marantan, 3 suspek ang nadakip ng mga intelligence operatives sa operasyon ito ay sina alyas “Ruth,” 36 anyos, “Elvira,” 51 anyos, at “Rodel,” 26 anyos, sa aktong lumalabag sa Republic Act 11592 o LPG Industry Regulation Act.
Sa inilabas na ulat ng Rizal PNP, nakatanggap sila ngoperasyon kaugnay sa umano’y illegal na bentahan ng liquified petroleum gas sa lugar.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng test buy ang mga operatiba na ikinadakip ng mga suspek.
Nasamsam sa lugar ang isang 11-kilogram ng LPG tank, 248 piraso basyo ng 11kg LPG cylinder, 22 piraso ng 2.7 kilogram LPG cylinder, 2 storage tank at 2 bullet trailer na may kabuuang halaga na ?8,481,000.00.
Sinabi ni Rizal PNP Provincial director Col. Eleazar Barber Jr., mahigpit na ipinagbabawal ng kanyang tanggapan ang anumang uri ng illegal.
Tulad ng illegal na bentahan ng liquified petroleum gas product na direkta anyang nakakaapekto sa publiko.
Bawal din umano ang illegal na sugal tulad ng STL con JUETENG, bookies, lotteng, SAKLA PATAY st iba pang uri ng illegal.
Hindi rim umano s’ya magdadalawang isip na sibakin sa pwesto ang sinumang Chief of Police na patong sa illegal batay sa direktiba ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Sa huli, hindi binanggit ng opisyal Kong sino ang nagmamay-ari ng sinalakay na illegal na PAIHI ng LPG sa area of responsibility ni Montalban Chief of Police P/Lt. Col. Gaffud Arwyn Derilo. (Edwin Moreno)