Advertisers

Advertisers

Kim Chiu namigay ng libreng gasolina at grocery sa 600 tsuper

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio



Ipinagdiwang ni Kim Chiu ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng gasolina at grocery packs sa 600 jeepney at tricycle drivers sa Quezon City mula sa napagbentahan niya sa isinagawang closet bazaar.

Sey ni Kim, “Ang sarap mabuhay to give, to receive love, to give love, and to spread love and joy. It is indeed a happy birthday.”



Makikita sa vlog na nagpunta si Kim sa tatlong gasolinahan sa Kyusi para personal na iabot ang mga grocery packs at fuel stubs sa mga tsuper.

Nagpasalamat naman ang aktres sa suporta na kanyang natatanggap mula sa pamilya, mga kaibigan, at tagahanga sa ilang taon na niya sa showbiz.