Advertisers
Ni Beth Gelena
May alitan ang dalawang personalidad na sina Inah de Belen at Rosmar Tan dahil lang sa komento ng isang netizen.
Si Inah ay anak nina Janice de Belen at John Estrada samantalang si Rosmar ay isang entrepreneur/influencer.
May post kasi si Inah sa kanyang social media ng larawan nila ni Jake Vargas na tila kasama sila sa isang sagala.
Nagpapasama pa nga si Inah sa nag-imbita sa kanila, aniya, “maraming salamat Bgy. Maysantol, Bulacan.
Komento naman ng isang netizen: “sorry po ha. ..nagtataka ako bakit anjan si Jake Vargas . ..akala.ko talaga si rosmar kung dko nabasa pangalab nag 2 tingin pa ako ang magjowa pala talaga…ang ganda mo pati ang damit mo”
Sagot ni Inah: “guys sino ba si Rosmar Hindu ko siya kilala”
Aniya pa, “nagresearch ko na siya pisssss don’t associate me with he ewe” na agad naging sentro ng usapan sa social media.
Binanggit ni Rosmar na mas marami na siyang exposure sa telebisyon kumpara sa naturang aktres, at idiniin na mas kilala siya ng publiko dahil sa kanyang mga TV appearances at online presence. Ipinunto niya ang kanyang 30M total followers bilang ebidensya ng kanyang kasikatan, at sinabing hindi siya dapat maliitin lalo na’t mas marami siyang naabot na audience sa iba’t ibang platform.
Tinawag pa niyang “starlet” ang aktres at sinabing may “attitude” na agad kahit hindi pa sikat, bagay na nagbigay ng mas matinding kulay sa kanyang palaban na pahayag online.
Facebook na isinulat ni Rosmar: “Kung maka “ew” ka naman sakin at di nya daw ako kilala. Nahiya naman ako sayo filipina actress nakalagay pero di din naman kita kilala. Mas maraming beses pa ata ako lumabas sa tv kesa sayo ante. Kung maka ew wagas inaano ka?”
Kasunod nito, nagdagdag pa siya ng isa pang post: “Napa search tuloy ako di ko rin sya kilala pero filipina actress nakalagay HAHAHA mas maraming times pa ata ako napanuod sa tv kesa sakanya.”
Sey naman ng ibang commenters:
“Eh ewwww naman talaga si Rosmar!!! Sikat o di sikat mandidiri pag na compare sa kanya. Mukha syang kokey pero mas cute ung totoong kokey.”
“Grabe naman, cute naman yang Rosmar kahit nung di pa nagpa enhance. And sino ba ang nasa limelight na walang enhancement?.. Halos lahat na. Ultimo nga content creator nagpapa-enhance na. Di ako fan ni Rosmar ha, di nga ako nagpa patronize ng mga product nyan kaya lang parang naka-attitude naman tong si Inah. For sure mas mayaman yang si Rosmar kesa sa kanya. Kilala lang sya sa pagiging de belen.maka ew, wagas..”
“Yan ang gustong gusto ng mga famewhore at clout chaser eh. Engagement. Dapat dedma na lang yun anak ni Janice. Malayo naman mukha niya dun sa isa. Chaka nun eh hahahaha”
“Eww naman talga, kita s track record. And yung Inag NATURAL NA MAGANDA, unlike yung rosmar.”
“I don’t even like Rosmar pero ka-cheapan yung ginawa ni Inah. Mas masahol pa yung kaartehan niyang yan kesa sa mga talak ni Rosmar. Rosmar is jologs pero itong si Inah, cheap din pala.”
“Ang ganda ganda ng mukha ni Inah layo don sa Rosmar. Im not saying shes not pretty hindi talaga magkamukha mata pa lang layo na pero bkit naman nag eeww? Unless pangit ugali ni Rosmar or may ginawang masama, nepo baby ng flood control o kurakot maintindihan ko yung eeww. Kung itsura dahilan mali na mag eeww sa soc med nakakasakit ng damdamin.”
“Eewww sa lahat ng di na kagandahan pangit pa asal regardless kung sikat ka or lumabas ka sa tv. Lol isa pang eeewww”
“Yung reply ni rosmar proves Inah’s point. Ang ‘class’ naman nya para ipagyabang ang 30M followers. She’s living in a delulu world with her 30M followers.”
“Ewwww……. Hahahaha! Jowlogs kse si r”