Advertisers

Advertisers

7 Pinoy seafarers sugatan sa Iranian drone attack sa Strait of Hormuz

0 5

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasugatan ang pitong Pilipinong seafarers matapos tamaan ng Iranian drone attack ang kanilang barko na Maltese-flagged container ship CMA CGM San Antonio.

Pahayag ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, lahat ng pitong Pinoy na tripulante ay nakaligtas sa pag-atake subalit nagtamo ng mga sugat at kasalukuyang tumatanggap ng medikal na atensiyon sa mga pagamutan.

Ani Cacdac, ang apat sa kanila ay nagtamo ng minor injuries, habang ang tatlo ay nasa seryosong kalagayan at masusing minomonitor.



Sa ngayon, ayon kay Sec. Cacdac, minomonitor ng mga opisyal ng Philippine Embassy at labor attaché ang kondisyon ng mga nasugatang Pinoy at nakontak na ang mga ito sa pamamagitan ng hospital authorities.

Nangyari ang insidente habang dumaraan ang barko sa Strait of Hormuz, na kasalukuyang ikinokonsidera bilang high risk at warlike area dahil sa tensiyon sa pagitan ng US, Israel at Iran.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">