Resbak ni Matet sa basher nilang magkakapatid: ‘Isulat mo na lang sa diary mo ‘yan, Tapos isaksak mo sa pwet mo!’
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
Pinatulan na naman ni Matet de Leon ang basher nila ng kanyang mga kapatid na sina Lotlot, Kenneth at Kiko..
Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Matet ang screenshot ng naging comment ng isang basher. Inilantad din niya ang identity ng naturang netizen.
Kinuwestiyon ng basher ang pagrereklamo raw ni Matet hinggil sa isyu ng mana sa kanilang magkakapatid matapos sabihin ng biological son ni Ate Guy na si Ian de Leon na siya lang ang nag-iisang legal na tagapagmana ng yumaong showbiz icon.
Sabi ng basher, “Nagwala ka nga dahil sa tuyo, anong pinagsasabi mong mana? Ingrata ka rin. Mas malaki sana ang mana ni Ian kundi kayo pinag-aampon sa laki ng ginastos sa inyo.
“Dapat thank you na lang. Baka mga call girl at call boy kayo kundi kayo in-adopt ni Nora. Kakapal nyo rin. As if inalagaan nyo sya nong nagkasakit si Nora.”
Nasaan kayo nong bago namatay si Nora? Second kasal nga ni Lotlot di sya inimbita. Puede ba ipokrito nyo!!” ang matapang na banat ng netizen kay Matet.
At ang resbak naman sa kanya ni Matet,“Sulat mo na lang sa diary mo ‘yan. Tapos saksak mo sa pwet mo (crying laughing emoji).”
Mababasa naman sa caption ng kanyang FB post, “Umabot na po dito. Ano ba kasalanan namin sa inyo?” na sinundan pa ng sandamakmak na laughing emojis.
Sa isa pa niyang post, ibinahagi rin ni Matet ang isang post ng basher patungkol sa isang pari na nagdarasal. Sey ni Matet sa caption na patama sa kanilang basher, “Pinapakita ko lang sa tao na hindi porke palasimba eh mabuting tao,”
Sa isang panayam kay Rayver Cruz, nang maging guest siya sa GameZone, na isa sa malaking sponsor sa Aurora Music Festival na ginanap sa Clark, Angeles, Pampanga nitong May 1 at 2,ay dininay niya na engage na sila ng long-time girlfriend na si Julie Ann San Jose.
***
Sabi ni Rayver,”Hindi pa.Wala pa. Manggagaling naman sa amin yun if ever. Wala pa po talaga,”
Sinisigurado naman ni Rayver na si Julie Ann na nga ang gusto niyang maging misis at makasama habangbuhay.
Samantala, may punching machine challenge sa Aurora Music Festival kung saan nagtala si Manny Pacquiao, ang bagong endorser ng GameZone ng score na 792.
Pero tinalo siya ni Rayver,huh! Nang mag-punch siya, ang score niya ay 859.
Pero syempre, for fun lang ‘yan (arcade punching machine), hindi actual boxing power comparison.
Sey nga ni Rayver, “nakakatuwa naman na kahit sa ganitong klase ng competition ay na-beat ko ang ating napakasikat na boksingero. Flattered ako dahil na beat ko ang score niya. Pero sa actual na game, wala akong kalaban-laban sa nag-iisang Manny Pacquiao. Idol natin yan at ipinagmamalaki ng ating bansa. A Proud Pinoy Manny Pacquiao.”